Posts

Showing posts from March, 2020

"Ang katuturan ng karanasan at istorya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtamo ng aral sa kanila"

Image
"PAG UNAWA AT HINDI PAGMEMORYA" Marami o halos lahat sa atin ay may mga karanasan na hindi malilimutan na nagbigay aral at tumatak sa ating isipan. Sabi nga nila Experience is the best teacher at masasabi kong totoo ito. Sa mga karanasan o istorya na kapupulutan ng aral. Maaaring ang mga aral na ito ang nagbigay daan upang baguhin ang pananaw at buhay ng isang tao. Kung may isang tao man ang naglahad sa iyo ng karanasan o istorya, ang pinakamaganda mong gawin ay unawain at magmuni muni sa istorynag kanyang nilahad. Maaaring di mo iyon naranasan ngunit sa pamamagitan ng pag replek sa kanilang karanasan ay magiging bukas ang iyong isipan upang unawain at bigyang halaga ang aral na natutunan nila. Ang aral na makukuha mo ay ay pwedeng makapagpabago kung ano man ang negatibong tingin mo sa isang bagay. Madalas na magsabi sa amin ng kanilang karanasan ang aking mga magulang tulad na lamang ng naranasan nilang kahirapan noong mga kaedaran pa lamang namin silaat ang aral na na...

Orihinal na kwento: ISANG MUKHA SA LIKOD NG TATLONG MASKARA

Image
Alas sais ng umaga maririnig ang lagaslas ng tubig at kalansing ng mga kubyertos sa loob ng kusina. Makikita si Anna na abalang abalang naghahanda ng almusal para sa kanyang tiyahin at mga anak nito. "Tiya! Handa na po ang ating almusal!! " sigaw ni anna na narinig naman ng kaniyang tiyahin. "O sya kakain na kami! " mamaya ka na at ayaw ng mabaho dito! " sigaw ng tiyahin nito sa kanya. Napayuko na lamang si annna sa tinugon ng tiyahin niya. Dali daling lumabas ng kusina ang bata at umupo sa gilid ng kanyang mumunting silid upang tapusin ang kanyang takdang aralin. Makalipas ang mahigit kalahating oras, tinawag si Anna ng kanyang tiyahin na pumunta na sa kusina. "Kumain ka na dyan! " iligpit mo na rin yan pagkatapos!! " dugtong ng tiyahin ng bata. "Opo tiya" malumanay na sagot ni anna. Umalis na ang tiyahin nya matapos matapos mabusog sa mga kinain nyang almusal. Masayang tinungo ni anna ang mesa ngunit agad na napawi ang...

Talumpati: KAIBIGAN

Image
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, ang aking talumpati ay pinamagatang KAIBIGAN....              Ano nga ba ang depenisyon mo kapag naririnig mo ang salitang kaibigan? Sila ba yung mga taong malalapit sayo, mga taong kasama mo sa kulitan at tawanan? Ngunit lahat ba sila'y totoo? O pakitang tao lang pagkaharap mo? Ikaw, ilan ba ang itinuturing mong kaibigan ngayon? Tingin mo ba kaibigan din ang tingin nila sayo? Meron kasi kaibigan ka lang pag may kailangan, basura ka na kapag napakinabangan... Saklap diba? Pero yan kasi ang realidad ng buhay. Swerte mo kapag nakahanap ka ng totoong kaibigan para sayo, sa panahon kasi natin ngayon mas marami na ang tanso kaysa sa ginto. Hindi lahat ng kaibigan mo na nakangiti sayo ay nakangiti pa rin pag talikod mo. Tumatawa ka? Di mo alam ikaw na pala yung topic nila. Mas okay na yung konti atleast totoo, kaysa sa madami nga, plastic naman... Madaling makisama pero mahirap magtiwala. ...

PANUNURING PAPEL SA PELIKULANG METRO MANILA

Image
Ang pelikulang Metro Metro ay isang Indie Film na sumasalamin sa masalimuot na buhay ng mga taong bago pa lamang sa mundo ng Industriyalisasyon. Ang masasabi ko sa mga karakter na gumanap sa pelikula ay masasabi kong may taglay na kakayahan upang mahampanan ng maayos ang kanilang karakter. Ang pelikula ay umiikot sa realidad ng buhay na totoo namang nararanasan ng mga tao lalo na ng mga mahihirap na nangangailanganupang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ang mga taong sakim sa pera at gumagamit ng ibang tao upang maisakatuparan ang masama nilang hangarin ay isa sa mga dahilan o rason kung bakit kahit anong sikap ng isang tao sa trabaho ay hindi pa rin sapat para sa kanilang pangangailangan. Ang magandang takbo ng pelikula na halos lahat ng parte o sitwasyon dito ay nagpapakita ng masalimuot na buhay ng isang mahirap. Ang pag mamahal ng isang ama o ina sa kanyang mga anak ay masasabi kong walang katumbas kahit pa ang pinakamamahaling alahas o ginto sa buong mundo. Ang ama an...

POSISYONG PAPEL: MALING PANINIWALA NG MGA PILIPINO TUNGKOL SA BULKANG TAAL

Image
Pangalawa sa pinaka aktibong bulkan sa buong mundo ang Bulkang taal na matatagpuan sa Talisay, Batangas na nakapagtala ng mahigit tatlumput apat na pagsabog sa kasaysayan ng Pilipinas. Mapapansin ang isang parte ng bulkan na inaakala ng mga Pilipino na ito ang Bulkang taal ngunit isa lamang ito sa apatnaput pitong bahagi ng bulkan. Ang pinaka malaking bahagi nito ay nasa ilalim ng Taal lake na nakabaon sa ilalim ng tubig. Ang bulkang taal ay isang complex na bulkan na binubuo ng magkakalapit at maliliit na bahagi ng bulkan. Ang mga bahaging ito na tinatawag na crater ay humigit kumulang apatnaput pitong crater. Ang mga nakikita natin sa mga litrato o kahit sa personal ay mga craters lamang ng bulkan. Karamihan sa mga guro natin ay ibinahagi na ang taal volcano ay ang maliit na crater tulad ng nakikita natin sa mga larawan noon, ang madalas na nasa picrure ay ang sikat na binintiang malaki at parte lamang ito ng bulkang taal na inaakala ng karamihan ay ang Bulkang taal talaga. Hin...

Bakit ako nagsusulat?

Image
Isa sa pinakamagandang regalo ng panginoon sating lahat ay ang buhay na kayang ipinagkaloob sa ating bawat isa.. Buhay na nagbigay kulay at pumuno ng ating pagkatao... Isa na siguro sa pinaka magandang hatid ng buhay satin ay ang kakayahan nating sumulat.. Hindi man ganun kaganda o kasabik sabik ang nilalaman ng ating sulatin ngunit itoy isang biyaya na dapat nating linangin... Hindi lahat ng tao sa mundo ay nabiyayaan ng dalawang kamay, minsan isa o dalawang porsyento ng populasyon natin ay minalas na taglayin ito at tanging pangarap na lamang nahangad ito.  Bakit nga ba ako nagsusulat? Marahil ito'y kailangan kong gawin upang matapos ang isang gawain.. Ngunit para sa akin, nag susulat ako upang ipahayag ang nais kong sabihin, mga salitang di ko kayang banggitin, salitang hanggang sulat ko na lang siguro kayang gawin..Bahagi na ng buhay natin ang pagsusulat, matalik na kaibigan na siguro natin kumbaga. Isang kaibigan na laging nariyan sa panahong hanggang papel at ballpen la...