"Ang katuturan ng karanasan at istorya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtamo ng aral sa kanila"
"PAG UNAWA AT HINDI PAGMEMORYA"
Marami o halos lahat sa atin ay
may mga karanasan na hindi malilimutan na nagbigay aral at tumatak sa ating
isipan. Sabi nga nila Experience is the best teacher at masasabi kong totoo
ito. Sa mga karanasan o istorya na kapupulutan ng aral. Maaaring ang mga aral
na ito ang nagbigay daan upang baguhin ang pananaw at buhay ng isang tao. Kung
may isang tao man ang naglahad sa iyo ng karanasan o istorya, ang pinakamaganda
mong gawin ay unawain at magmuni muni sa istorynag kanyang nilahad. Maaaring di
mo iyon naranasan ngunit sa pamamagitan ng pag replek sa kanilang karanasan ay
magiging bukas ang iyong isipan upang unawain at bigyang halaga ang aral na
natutunan nila. Ang aral na makukuha mo ay ay pwedeng makapagpabago kung ano
man ang negatibong tingin mo sa isang bagay.
Madalas na magsabi sa amin ng
kanilang karanasan ang aking mga magulang tulad na lamang ng naranasan nilang
kahirapan noong mga kaedaran pa lamang namin silaat ang aral na napulot ko sa
kanilang karanasan ang nagbigay daan upang maaga akong mamulat sa hirap ng
buhay. Natutunan kong huwag lahat iasa sa magulang at matutong tumayo sa sarili
mong mga paa upang mas mahubog pa ang iyong sarili at maging handa sa panahong
sarili ko na lamang ang aking kasama. Paulit ulit ko mang naririnig ngunit
sapat naman upang mamulat ang aking isipan.
Ang karanasang ating naranasan ay
lilipas din at di na mauulit pa, ngunit ang aral na binigay nito sa atin ay
nagbigay at magbibigay inspirasyon upang mas maging huwaran sa paglipas ng
panahon.
Comments
Post a Comment