POSISYONG PAPEL: MALING PANINIWALA NG MGA PILIPINO TUNGKOL SA BULKANG TAAL
Pangalawa sa pinaka aktibong bulkan sa buong mundo ang Bulkang taal na
matatagpuan sa Talisay, Batangas na nakapagtala ng mahigit tatlumput apat na
pagsabog sa kasaysayan ng Pilipinas. Mapapansin ang isang parte ng bulkan na
inaakala ng mga Pilipino na ito ang Bulkang taal ngunit isa lamang ito sa
apatnaput pitong bahagi ng bulkan. Ang pinaka malaking bahagi nito ay nasa
ilalim ng Taal lake na nakabaon sa ilalim ng tubig.
Ang bulkang taal ay isang complex na bulkan na binubuo ng magkakalapit
at maliliit na bahagi ng bulkan. Ang mga bahaging ito na tinatawag na crater ay
humigit kumulang apatnaput pitong crater. Ang mga nakikita natin sa mga litrato
o kahit sa personal ay mga craters lamang ng bulkan. Karamihan sa mga guro
natin ay ibinahagi na ang taal volcano ay ang maliit na crater tulad ng
nakikita natin sa mga larawan noon, ang madalas na nasa picrure ay ang sikat na
binintiang malaki at parte lamang ito ng bulkang taal na inaakala ng karamihan
ay ang Bulkang taal talaga.
Hindi maiiwasan na maniwala tayo sa mga impormasyong simula pagkabata
ay pinaniniwalaan natin, kinakailangan talaga natin ng sapat na pag aaral upang
malinawan sa mga bagay na nagbibigay kuryosidad sa ating isipan. Sa aking pang
wakas na talata gusto kong sabihin na ang crater na nakikita natinsa Talisay,
Batangas ay ang pinaka main caldera o Binintiang malaki na bahagi ng Taal
Volcano at ang taal volcano ay nasa ilalim na bahagi ng taal lake taliwas sa
impormasyon o paniniwala natin sa simula pa lamang.
Comments
Post a Comment