PANUNURING PAPEL SA PELIKULANG METRO MANILA


Ang pelikulang Metro Metro ay isang Indie Film na sumasalamin sa masalimuot na buhay ng mga taong bago pa lamang sa mundo ng Industriyalisasyon. Ang masasabi ko sa mga karakter na gumanap sa pelikula ay masasabi kong may taglay na kakayahan upang mahampanan ng maayos ang kanilang karakter. Ang pelikula ay umiikot sa realidad ng buhay na totoo namang nararanasan ng mga tao lalo na ng mga mahihirap na nangangailanganupang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ang mga taong sakim sa pera at gumagamit ng ibang tao upang maisakatuparan ang masama nilang hangarin ay isa sa mga dahilan o rason kung bakit kahit anong sikap ng isang tao sa trabaho ay hindi pa rin sapat para sa kanilang pangangailangan. Ang magandang takbo ng pelikula na halos lahat ng parte o sitwasyon dito ay nagpapakita ng masalimuot na buhay ng isang mahirap.
Ang pag mamahal ng isang ama o ina sa kanyang mga anak ay masasabi kong walang katumbas kahit pa ang pinakamamahaling alahas o ginto sa buong mundo. Ang ama ang syang lakas at sumusuporta sa pamilya na handang gawin ang lahat para maitaguyod sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Si Oscar na isang magsasaka sa probinsya at nakipagsapalaran sa Metro Manila kasama ang kaniyang pamilya ay isang malaking pagsubok at talagang nasukat kung gaano sya katatag na isang ama. Ang pinaka huling bahagi ng pelikula ay masasabi kong pinakapumukaw sa aking atensyon masasabi kong tagos sa puso ang mga huling eksena.
Ang realidad ng buhay ay isang pinakamalaking pagsubok sa pamilyang lugmok sa kahirapan ngunit sa kabila nito ang sakripisyo ng magulang ang syang yaman na kailan may hindi matutumbasan at ang sakripisyo ni Oscar sa pelikula ay masasabi kong kahanga hanga at nakapupukaw ng atensyon. Upang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya ay isinakripisyo nya ang kanyang sariling buhay kapalit ng kalayaan mula sa pagkakagapos sa lubid ng kahirapan.


Comments

Popular posts from this blog

"Ang katuturan ng karanasan at istorya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtamo ng aral sa kanila"

Talumpati: KAIBIGAN