Bakit ako nagsusulat?


Isa sa pinakamagandang regalo ng panginoon sating lahat ay ang buhay na kayang ipinagkaloob sa ating bawat isa.. Buhay na nagbigay kulay at pumuno ng ating pagkatao... Isa na siguro sa pinaka magandang hatid ng buhay satin ay ang kakayahan nating sumulat.. Hindi man ganun kaganda o kasabik sabik ang nilalaman ng ating sulatin ngunit itoy isang biyaya na dapat nating linangin... Hindi lahat ng tao sa mundo ay nabiyayaan ng dalawang kamay, minsan isa o dalawang porsyento ng populasyon natin ay minalas na taglayin ito at tanging pangarap na lamang nahangad ito. 
Bakit nga ba ako nagsusulat? Marahil ito'y kailangan kong gawin upang matapos ang isang gawain.. Ngunit para sa akin, nag susulat ako upang ipahayag ang nais kong sabihin, mga salitang di ko kayang banggitin, salitang hanggang sulat ko na lang siguro kayang gawin..Bahagi na ng buhay natin ang pagsusulat, matalik na kaibigan na siguro natin kumbaga. Isang kaibigan na laging nariyan sa panahong hanggang papel at ballpen lang ang sandigan upang ipahayag ang nararamdaman.
Nagsusulat ako dahil kailangan ko, kailangan ko upang ipahayag ang damdaming sa sulat ko lang mas nalilinang.. Noong huminto ako sa aking pag aaral, pagsusulat at pagbasa lamang ang ang aking gawain lalo nung tinutulungan ko ang aking ina sa kanyang negosyo... Pagbasa sa mga magagandang istoryang isinulat din ng mga magagaling na manunulat ang syang nagbigay inspirasyon sakin upang gumawa ng sarili kong katha, siguro sa umpisa'y mahirap ngunit pag nakasanayan ay madali na lamang... Sa pagsulat ko noon naging makulay ang imahinasyon ko, dahil sa pagsulat natuto akong gumawa ng kwento, dahil sa pagsulat kahit sandali lang ako'y naging maestro...



Comments

Popular posts from this blog

PANUNURING PAPEL SA PELIKULANG METRO MANILA

"Ang katuturan ng karanasan at istorya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtamo ng aral sa kanila"

Talumpati: KAIBIGAN