Orihinal na kwento: ISANG MUKHA SA LIKOD NG TATLONG MASKARA
Alas sais ng umaga maririnig ang lagaslas ng tubig at kalansing ng mga
kubyertos sa loob ng kusina. Makikita si Anna na abalang abalang naghahanda ng
almusal para sa kanyang tiyahin at mga anak nito.
"Tiya! Handa na po ang ating almusal!! " sigaw ni anna na
narinig naman ng kaniyang tiyahin.
"O sya kakain na kami! " mamaya ka na at ayaw ng mabaho dito!
" sigaw ng tiyahin nito sa kanya.
Napayuko na lamang si annna sa tinugon ng tiyahin niya. Dali daling
lumabas ng kusina ang bata at umupo sa gilid ng kanyang mumunting silid upang
tapusin ang kanyang takdang aralin. Makalipas ang mahigit kalahating oras,
tinawag si Anna ng kanyang tiyahin na pumunta na sa kusina.
"Kumain ka na dyan! " iligpit mo na rin yan pagkatapos!!
" dugtong ng tiyahin ng bata.
"Opo tiya" malumanay na sagot ni anna.
Umalis na ang tiyahin nya matapos matapos mabusog sa mga kinain nyang
almusal. Masayang tinungo ni anna ang mesa ngunit agad na napawi ang kanyang
ngiti ng makita ang hapag kainan.. Tanging iisang pirasong karne ng manok at
kakaunting kanin na lamang ang natira sa bata..
"Hayss, ok na to Basta may panlaman man lang ako sa aking
nagugutom na sikmura" Tinipon ni anna ang kakaunting kanin at kapirasong
karne sa isang pinggan at masayang inubos ito.
Sa ganap na alas siyete ng umaga, binaybay ni anna ang daan patungo sa
kailang paaralan, makulimlim at tila nagbabadya ng malakas na ulan ang
kalangitan na pinagmamasdan ni anna habang naglalakad. Madumi at tagaktak ng
pawis ng dumating ng silid aralan ang bata na agad namang napansin ng kanyang
mga kamag aral.
"Ano ba yan anna!!! Ang dugyot mo naman!!!! Di ka ba pinapaliguan
ng nanay mo!!!!? Sigaw ng kamag aral nito. "Pasensya na ang layo kasi ng
nilakad ko" ngiting sambit ni anna. "Pwede ba wag mo akong ngitian anna!!!"
Sigaw naman ng isa pang batang babae kasabay ng pagdapo ng palad nito sa pisngi
ni anna.
Napahawak si anna sa kaliwang pisngi nya ng may kasamang pagkagulat sa
mukha ngunit agad ding napawi at napalitan ng ngiti sa kanyang labi.
"Pasensya ka na, yun lang kasi kayang kong ipakita sa inyo"
malumanay na sagot ni anna na nakahawak pa rin sa kanyang kaliwang pisngi.
Malakas na tinulak ng batang lalaki si anna na natumba sa sahig at binuhusan ng
malamig na tubig kasabay ng pagtapon sa kanya ng mga kaklase nya ng mga basura,
hinila ng kanyang kaklase ang buhok ni anna at mariing inilugmok sa sahig ang
mukha ng batang kanilang binubulas. Napahikbi ang inosenteng si anna na pilit
na kunakawala sa mga batang pinagtatawanan at kinukutya siya.. Tanging mahinag hikbi
na lamang ang lumalabas sa kanyang bibig. Nang makawala si anna, mabilis na
tumayo ang bata at tumakbo palabas ng silid aralan. Nagtungo ang kawawang bata
sa puntod ng kaniyang ina na ilang metro lamang sa kanilang paaralan, at
kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pag buhos ng sari saring emosyon na matagal
nagkubli sa puso ng batang si anna. Galit, lungkot at pagdadalamhati na
malayang tinangay ng mga luha ng bata na sa wakas ngayon ay nakalaya na,
pagtatangis na lamang ang tanging nagawa ng batang si anna sa harap ng puntod
ng kaniyang ina.. Sa malakas na pagbuhos ng ulan mula sa kawalan, walang halong
alinlangang inilabas ng bata ang maliit na patalim mula sa kanyang mumunting
supot sa bag at tinapos ang paghihirap na matagal na niyang gustong wakasan..
"Makakasama na din kita mahal kong ina" ang huling sambit ng
bata mula sa kanyang mga labi...
Tanging lagaslas na lamang ng tubig at ang kalangitan na lamang ang
saksi sa masalimuot na pagdadalamhati ng batang si anna. Lungkot, galit, at pag
dadalamhati ang matagal na itinago ng batang si anna. Sa likod ng kanyang mga
ngiti na sa isang iglap ay lumaya na kasabay ng paglaya ng masalimuot nyang
buhay na matagal ng nakagapos sa kanya.
Ang simbolo ng isang mukha ay ang iisang hangarin na ipinakita ng
tatlong maskara(espanyol, amerikano at hapon) na sumakop sa buhay ng pilipino
na sinisimbolo ni anna na nagpatangay sa agos nito. Ang pag aalipusta ng
kanyang mga kaklase ay ang mga pangyayaring naganap sa mga pilipino na
minamaliit at tinatawag na mga indiyo. Sa pagkitil ng buhay ng pilipino ay ang
paglaya mula sa dilim ng kasaysayan ng ating bansa.
Comments
Post a Comment