Talumpati: KAIBIGAN


Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, ang aking talumpati ay pinamagatang KAIBIGAN....
            Ano nga ba ang depenisyon mo kapag naririnig mo ang salitang kaibigan? Sila ba yung mga taong malalapit sayo, mga taong kasama mo sa kulitan at tawanan? Ngunit lahat ba sila'y totoo? O pakitang tao lang pagkaharap mo?
Ikaw, ilan ba ang itinuturing mong kaibigan ngayon? Tingin mo ba kaibigan din ang tingin nila sayo? Meron kasi kaibigan ka lang pag may kailangan, basura ka na kapag napakinabangan... Saklap diba? Pero yan kasi ang realidad ng buhay. Swerte mo kapag nakahanap ka ng totoong kaibigan para sayo, sa panahon kasi natin ngayon mas marami na ang tanso kaysa sa ginto.
Hindi lahat ng kaibigan mo na nakangiti sayo ay nakangiti pa rin pag talikod mo. Tumatawa ka? Di mo alam ikaw na pala yung topic nila. Mas okay na yung konti atleast totoo, kaysa sa madami nga, plastic naman...
Madaling makisama pero mahirap magtiwala. Sa dami ng kaibigan mo, minsan isa o dalawa yung totoo at lahat sila hihilain ka pababa. Pero minsan tanungin mo din yung sarili mo, baka kasi ikaw yung may mali at hindi yung ibang tao.
 Kung gusto mo makahanap ng totoong kaibigan, dapat maging totoong tao ka muna. Kung ako sa inyo, kung hahanap man kayo ng kaibigan, hanapin nyo yung kaibigang parang bakal, yung sa bakal lang didikit at hindi sa plastic.. At isipin mo din na mas better ang QUALITY kaysa sa QUANTITY..


Comments

Popular posts from this blog

PANUNURING PAPEL SA PELIKULANG METRO MANILA

"Ang katuturan ng karanasan at istorya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtamo ng aral sa kanila"